LOVE OUT LOUD WINNING ENTRY:
MARIBEL Q. BAGABALDO 


SULSI

sumusulsi ako ng dahilang

ipangtatagpi sa mga pu-

nit na alalahanin.

bakit nga ba kailangan pang

matusok ng pangamba

bago matuklasang marupok

na ang pag-ibig?

pilitin ko mang pagtagni-

tagniin ang mga hinabi nating pangarap,

dumaloy na ang mga luhang naghi-

mulmol sa pamamaalam.

wala nang panoorin kundi

tastas na laylayan ng kahapon.

bakit kapos ang sinulid ko 

sa hibla-hibla mong dahilan?

bakit buhol-buhol na katwiran lang

ang pumatid sa relasyon?

hindi ko na ba kayang dugtu-

ngan ang retaso ng iyong pagtingin?
 

may iba na bang humahabi ng iyong damdamin?
 
Back to Cover
Previous Work
Next Work